ATING TIKMAN: LINAMNAM AT SUSTANSYA NG MALUNGGAY PANDESAL

Pag nagluto ang ating mga magulang ng tinola, monggo at ginatang gulay, isa sa kailangan sahog nito ay ang dahon ng Malunggay. Makukuha o mapipitas karaniwan sa mga bakuran at kabukiran kung saan hindi mapigil ang pagdami nito. Sa mga nagdaang taon nagsulputan ang mga capsule herbal medicine na gawa sa malunggay, pati na rin ngayon sa juices, coffee, shampoo, at siyempre ang sikat na MALUNGGAY BREAD, partikular na ang Malunggay Pandesal.

___________________________________________________
Malunggay: A Filipino plant with the scientific name Moringa oleifera
Moringa is a tree known as sajina in South Asian countries like India. In English, it is sometimes called referred to as horseradish tree or horseradish plant, although it’s a different species from the horseradish that Westerners know. The tree grows fast and survives well in drought conditions. Malunggay leaves are popularly used in Filipino soups and broths especially tinola. The leaves are said to increase lactation in nursing mothers. Filipinos like to say that malunggay is “the most nutritious plant in the world.”  It is rich in vitamins A and C and iron.  A study recently found that malunggay increases sperm count in men. – Tagaloglang.com

________________________________________

Malunggay Pandesal

Monay Classic P5.00

Ang pag-gawa ng  Malunggay Pandesal ay hindi malayo sa pag-gawa ng regular na nakasanayan nating regular o classic na Pandesal.

Ingredients: Flour, Yeast, Salt, Egg, Butter, Vegetable Oil, Water and Malunggay Flakes or Powder.

Para sa eksaktong measurement ng mga ingredients, kindly refer to the Rates Page Link sa taas. Ang procedure nang pag-gawa nito ay maiiba lang dahil hinalo natin ang malunggay sa masa, pag pina-alsa at niluto kailangan nandun ang halimuyak ng malunggay. Pan de Gulay ang tawag ng iba, pero kahit sa mga Loaf, tasty, monay at assorted rolls puede rin ito. Makikita ang hibla ng malunggay at matitikman ang kakaibang lasa na manamisnamis.

Sa kasalukuyan, isa sa mga patok at tinatangkilik ngayon sa mga bakery, ay ang mga tinapay na may timpla ng malunggay, bukod sa benepisyong dulot nito sa kalusugan, ay naiiba ito sa nakasanayan nating plain o regular na tinapay. Kung sa masustansyang pagkain kapalit naman ay mabuting pangangatawan o kahit na simpleng kabusugan, it’s worth a try… a hot and fresh malunggay bread!

This entry was posted in Bread Making 101 and tagged , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply