Hindi kumpleto ang hapag kainan ng Pamilyang Pilipino sa umaga kung walang mainit na Pandesal. Maituturing na pantawid gutom natin sa ano mang panahon, tag-ulan man o tag-araw, tinapay na pang-mayaman o pang-masa. Sarap ng laging bagong luto, malutong, tostado o maputi depende sa iyong hinahanap. Ayon sa isang presentation ng kilalang bakeshop chain, 80% daw ng Pilipino ay kumakain ng tinapay. Pangalawa sa kanin ito ang pinaka-kilala nating pagkain. Sa bibliya panahon pa ni Jesus may tinapay na, katunayan sa Matthew 14:13-2, ang limang tinapay at dalawang isda ay nakapagpakain ng limang libong katao. Tuwing araw ng simba, tinapay na alay ay nagiging katawan ng ating Panginoon.
Sa tinagal-tagal ng panahon, ibig sabihin mula sa sinaunang panahon, kahit nung panahon ng pagsakop ng dayuhang Kastila at Amerikano dito sa atin, may tinapay ng tinatangkilik ang mga Pilipino. Naimbento at ginawa ang pandesal dito sa Pilipinas noong 16th century ayon sa Google. Pero sa kasalukuyang panahon, sabi nila mas masarap ang tinapay galing Batangas o kaya ay gawa ng Chinese, pero hindi naman papayag ang mga taga ibang parte ng Luzon, lalo na ang mga taga Visayas at Mindanao, partikular na sa Zamboanga City na natikman at nakita namin mismo kung paano pagka-guluhan ang kanilang simple pero malinamnam na Cheeze Bread. Ang bonete ng Pasig, Ensaymada ng Bulacan, Empanada ng Ilocos, Toasted Siopao ng Naga at siyempre ang Monay (Monay ni Tuding) ng Marikina.
‘Eto ngayon ang tanong, gusto mong gawing negosyo, pero ang tanong ay isang malaking PAANO? Nasubukan mo na bang gumawa ng pandesal, pero hindi umalsa? Nung niluto mo ito, matigas pa sa bato? Sinunod mo lahat ng procedure, nanood ka pa sa Youtube at bumili ka pa ng Baking book? Maraming beses ka ng nakabili ng masarap na pandesal sa mga bakery, malambot, malinamnam at higit sa lahat masarap ihanda sa almusal at meryenda. Ang tanong, paano ba talaga ang tamang pag-gawa nito? Saan ka nagkamali at paano ang iyong gagawin?
Mula pagkabata nakagisnan na natin sa ating almusal sa umaga kadalasan ay tinapay may palaman man o wala… isawsaw mo na lang sa kape ayos na! Sabi nga sa isang pelikula ni Da’King: “Walang Matigas na Tinapay sa Maiinit na Kape”. May mga pamamaraan ng pag gawa ng tinapay, kung paano tayo natutong maglakad, mamisikleta, sumulat, bumasa, lumangoy, magmaneho, magluto at kahit na anong klaseng gawain, kailangan ng pagsasanay. Nag uumpisa ito sa basic, sa simpleng pagsunod sa nagtuturo kundi man iyong napanood lang, na –experience o iyong kusang tinuklas at pinag-aralan. Iisa pa rin ang kahihinatnan, ang matuto sa mga pagkakamali sa palagiang pag gawa, pagsasanay at pagtuklas pa ng ibang teknik at estilo. ‘Di ba nung matuto kang mag-bike nung bata ka, hanggang ngayon marunong ka pa rin? Ganun din sa pag-gawa ng tinapay, pag natuto ka na, sa’yo na yun! Wala ng makaka-agaw pa!
FOR MORE INFO, CLICK HERE.
Gusto mong gawin negosyo, pero paano mo uumpisahan? May mga panaderyang magaling gumawa ng monay, meron magaling sa buns, kababayan, putok, cupcakes, mamon, sa mga matitigas na tinapay at eksperto sa pag gawa ng tasty o iba pang malambot na tinapay. Pero ang isang commercial bakery malalaman kung magaling ‘pag ang pandesal o monay nila ay masarap, tinatangkilik at binabalik-balikan ng kanilang mga suki.
Pinaka-basic ang pandesal, dito puede mo na itong pag-umpisan, maraming puede nang gawin kasabay ng pag-masa nito, katulad ng spanish bread, cheeze bread, donut, buns at iba pa sa iisang timpla lang.
Pag na-perfect mo na ang pag gawa ng pandesal madali na ang mga ibang tinapay. Ang iyong pagiging “creative” at maselang panlasa na ang gagana. Sa ganitong paraan ikaw na ang mag-iimprove ng mga kilala ng tinapay na mabibili na sa iba’t ibang bakery. Marami kang puedeng ilabas na bagong disenyo at style ng iyong “finished products“.
Iba na ang marunong, layasan ka man ng panadero o iyong mga staffs, atleast alam mo ang basic, alam mong gumawa ng tinapay at alam mong patakbuhin ang bakery ng hindi naka-depende sa ibang tao. Kaya sa mga negosyanteng kagaya namin, na puede ring kagaya ninyo… ang tinapay n’yong paborito, puedeng gawing isang kumikitang negosyo!
